FRIED CHICKEN
Pagkaing paborito ng lahat!Masarap lalo na kapag malutong at may sawsawan.Pagkaing hindi nakakasawa.Gusto ko ito sapagkat napakadaling ihanda o lutuin kapag oras ng kainan. Sa katunayan, karaniwang inihahanda ito kapag walang ibang maisip na lutuin para sa agahan o kaya ay sa tanghalian.Narito sa ibaba ang mga sangkap at ang proseso kung paano kadali lutuin ang masarap na fried chicken.
Mga sangkap
2 lbs na paa ng manok
1 kutsarang tinadtad na bawang
4 na tasa ng all-purpose flour
2 kutsarang asin
1/2 kutsarita na paminta
1 tasa ng mantika
Hakbang sa pagluluto
- Sa isang mangkok,pagsamahin ang manok,toyo,bawang,asin at paminta.
- Marinate sa ref ng mga 2 oras.
- Sa isang pinggan pagsamahin ang harina mantika,baking powder at ang natitirang asin at paminta.
- Lagyan ng mantika ang kawali at hintaying uminit.Kapag mainit na ilagay ang manok at hintaying itong maging malutong at maluto.
