Kilala tayong mga Pilipino bilang may mga masasarap na pagkain at masarap magluto. Hindi naman maipagkakaila dahil totoo naman. Karaniwan nating nakikita sa hapag kainan tuwing kumakain ay ang chicken adobo o adong manok.
CHICKEN ADOBO
Isa sa pinakapaborito nating mga Pilipino. Amoy palang ng sibuyas at bawang ay nakakagutom na. Bukod sa ito ay masarap,madali lamang itong lutuin sa loob ng 30 minutes lamang. Kahit sa maliit na budget lamang ay makakapagluto ka na nito. Mas masarap ito lalo na kapag mainit ang kanin. Narito ang mga sa sangkap at kung paano lutuin ang adobong manok:
MGA SANGKAP:
- 1k Manok (chicken ) hiniwa ng ayon sa gusto mo na laki
- 2 piraso patatas
- 4 piraso dahon laurel
- 7 kutsara toyo
- 7 kutsara suka
- 6 piraso bawang
- 1 buo na sibuyas
- 2 kutsara na mantika
- Asin
- Paminta buo at durog
- Asukal na pula
- Magic Sarap
- 1 baso tubig
- 1 kutsara na cornstarch
Paraan sa pagluluto:
- Pagsama-samahin sa isang kaserola o pan ang manok, toyo, suka, laurel, paminta buo,3 piraso bawang dinurog, sibuyas na kalahati e marinade ng magdamag o isang oras at pakuluan ito ng mga 10 minutes sa mahinang apoy para ang lasa nya tlagang lumabas
- Isalang ang kawali at ilagay ang mantika. Iprito ang patatas at hanguin ito at itabi
- Igisa ang manok na pinakuluan papulahin ang natirang bawang at sibuyas at kapag mapula na ihulog ang pinakuluang manok at hayaan sya na medyo ma fried sa sariling mantika at sa pinag pritohan ng patatas.
- Ilagay ang sabaw ng pinagpakuluan ng manok at dagdagan ng isang basong tubig.
- Hayaan kumulo ng 10minuto at lagyan ng cornstarch para ito ay lumapot at makintab tignan
- Timplahan ng asin at asukal
- Lagyan ng magic sarap at ilagay ang patatas
