“TARA ENJOY’IN ANG FILIPINO FOODS”

LUMPIANG SHANGHAI

Ang mga Pilipino sa Pilipinas ay may kanya kanyang kakayahan sa pagluluto lalong lalo na pag pamilya ang ipinagluluto, hindi maikakaila ang sarap ng pagluluto ng ating mga nanay at tatay. Isa sa mga paborito ng pinoy ay ang LUMPIANG SHANGHAI. Ito ay isang kilalang pagkain sa Pilipinas na madalas ihain sa hapag kainan. Maging sa mga okasyon inihahanda din ito. Kahit maliit lang ang budget kasyang kasya ,at ito ay madali lamang gawin. Siyempre hindi mawawala diyan ang sawsawan kasi mas masarap kung ito ay may sawsawan. Mas masarap kumain nito kung kompleto ang pamilya.

MGA SANGKAP

: ¼ kilo giniling na karne ng baboy : ¼ tasa singkamas, tinadtad ng pino : 1 butil bawang, tinadtad : 1 piraso itlog, binating bahagya : 3 kutsara sibuyas,tinadtad : 1 kutsara toyo : 1 kutsarita asukal : ½ kutsarita asukal : ½ kutsarita asin : ½ kutsarita paminta : 1 tasang mantika : 15 piraso lumpia wrappers

PARAAN NG PAGLULUTO
LUMPIA

  1. Paghaluin lahat ng mga sangkap para palaman ng lumpia.
  2. Balutin sa lumpia wrappers ng makitid at pahaba.
  3. Iprito ng lubog sa mantika hanggang lumutong.
  4. Patuluin.
SAWSAWAN
  1. Tunawin ang cornstarch sa ⅓ tasa ng tubig.
  2. Paghaluin sa ibang sangkap.
  3. Pakuluan hanggang lumapot.
  4. Ihain kasama ng lumpia.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started